PRICE WATCH | Gulay At Isda taas Presyo sa Papalapit na Semana Santa!

DAGUPAN CITY- Magtataas ng presyo ng gulay at isda sa nalalapit na Semana
Santa.

Ngayong darating na Semana Santa inaasahan na magtataas ang presyo ng gulay
sa Malimgas Public Market kasabay din nito ang pagtaas ang presyo ng isda
sa Magsaysay Fish Market.

Ayon kay Mary Jane Romero, vegetable vendor ng Malimgas Public Market,
magdodoble ang presyo ng gulay ngayong Semana Santa at mag uumpisa itong
magtaas sa third week ng Marso.


Kinumpirma naman ni Nida Ramirez, fish vendor ng Magsaysay Fish Market, na
depende sa suppy ng isda ang pagtaas ng presyo nito, kung kakaunti lamang
ang supply ng isda ay magmamahal ang presyo nito at pag madami ang supply
ng isda, mura ang presyo nito.

Facebook Comments