HEALTH OFFICE NG BAYAMBANG, NAGPAALALA NA HUWAG GAWING LARUAN ANG ALAGANG HAYO KASABAY NG DUMARAMING NAGPAPABAKUNA KONTRA RABIES

BAYAMBANG, PANGASINAN – “Huwag Gawing Laruan ang Alagang Aso”. Ito ngayon ang ibinabala ng Municipal Health Office ng Bayambang sa publiko kasabay ng pagdami ng mga nagtutungo sa kanilang tanggapan upang magpabakuna kontra rabies.

Ayon sa update mula sa ating Animal Bite Treatment Center (ABTC), ito ang kinahantungan ng ilang residente dahil sa pakikipaglaro sa alagang aso.

Ayon kay Municipal Health Officer, Dra. Paz Vallo, mayroong 20 new cases at 22 ongoing treatments at ang ABTC ay nakagamit ng 21 vials ng iniksyon na nagkakahalaga lahat ng P25,200 sa loob lamang ng isang araw.


Muli, ang lahat ay mariing pinapaalalahanan na ang kagat ng aso, pusa, o daga ay maaaring mauwi sa rabies kung hindi naagapan at ang rabies ay walang gamot, at ito ay nakamamatay.

Ipinaalala naman sa mga may alagang hayop na maging responsable at kung maaari ay ipabakuna ang mga alagang hayop. | ifmnews

Facebook Comments