Inilunsad kahapon ng Ministry of Health ng Bangsamoro Government ang Fatawa (Islamic Rulings) on reproductive health, family planning and immunizations.
Ang fatawa ay inisyu ng Regional Darul Ifta (RDI) at produkto ng mga serye ng konsultasyon na isinagawa ng MOH-BARMM.
Ayon kay Deputy Minister Dr. Zul Qarneyn Abas, may kanya-kanyang fatwa para sa reproductive health, family planning at immunizations, ang mga ito ang kanilang pinagsama-sama sa iisang libro.
Sinabi ni Dr. Abas na nakikita nila na marami sa health programs ng gobyerno ay hindi tinatangkilik ng mga magulang dahil sa agam-agam na maaring hindi halal ang mga ito o hindi naaayon sa relehiyong Islam, tulad na lamang ng pagpapabakuna.
Upang tugunan ang ganitong suliranin ay pinag-isa ng ministeryo ang mga fatwa mula sa mga ulama upang sila mismo ang makakapagpaliwanag at makakapagbigay ng testemonya sa mamamayan ng rehiyon ang health programs ng gobyerno ay halal.
Dumalo din sa okasyon si Interim Chief Minister Ahod Ebrahim.
BARMM Government PIC
Health Programs mas tututukan ng BARMM Government
Facebook Comments