Health protocols, dapat mahigpit na ipatupad sa pampublikong transportasyon

Iginiit ni Senator Grace Poe na ang pagpapatupad at pagsunod sa minimum health protocols ay mahalaga sa gitna ng pagluwag ng mga restriksyon sa pampublikong transportasyon.

Ayon kay Poe, sa mga istasyon ng tren, terminal at iba pang transportation hub, ang mga marshal ay makatutulong upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng ating mga kababayan.

Binigyan diin din niya na bumaba man ang mga kaso ng COVID-19, hindi pa tuluyang nawawala ang virus.


Paliwanag ni Poe, ang pagiging kampante ay maaring magdulot ng panibagong krisis kaya hindi tayo dapat tumigil sa pag-iingat.

Panghuli sinabi ng senador na ang maayos at ligtas na pagkilos o mobility ng ating mamamayan ay ating daan para sa new normal.

Facebook Comments