Mga Pinoy sa Russia, pinag-iingat ng Philippine Embassy sa pagpo-post sa social media

Pinag-iingat ng Philippine Embassy sa Russia ang mga Pilipino roon sa pagpo-post sa social media ng hinggil sa iringan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon sa embahada, dapat ding maging maingat sa pag-share o pagpasa ng impormasyon at tiyaking totoo o kumpirmado ang mga detalye.

Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Russia na umiwas sa mga kilos protesta at iwasang magtungo sa mga matataong lugar.


Sa kabila nito, iginiit ng embahada na walang dapat ikabahala ang mga Pinoy roon at manatiling kalmado.

Facebook Comments