Health protocols laban sa COVID-19, mas mahigpit na ipapatupad sa Divisoria, Manila

Nagpulong ang mga kawani Manila Police District (MPD) at Manila Barangay Bureau (MBB) para mapaigting ang pagpapatupad ng minimum health protocols sa Divisoria.

Kabilang sa nasabing pagpupulong ang mga Precinct Commanders at mga Punong Barangay na nakakasakop sa Divisoria, Maynila.

Ipinag-utos ni MPD Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) Chief Major Rosalino Ibay Jr., ang pagpapatupad ng physical distancing at ang pagkakaroon ng ‘One Entrance, One Exit’ policy sa mga pamilihan.


Inatasan naman ni MBB Director Romeo Bagay ang bawat Punong Barangay na magtalaga ng mga kawani upang mapanatili ang kaayusan at magpaalala na magsuot ng face mask at face shield sa mga vendors at mamimili.

Paiigtingin din ang presensya ng mga enforcers mula sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang mapanatiling maaliwalas at maluwag ang mga daan, lalo na sa gitna ng Kapaskuhan.

Facebook Comments