Lalaki na tangkang Dudukutin ang Dalawang Bata, Dinakip ng mga Otoridad

73

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga otoridad ang isang lalaki na tangkang dudukutin ang dalawang bata pasado alas-tres ng hapon sa isang bahay sa Brgy. District 3, Cauayan City, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Kapitan Melchor Meriz, lango sa nakalalasing na inumin ang suspek na agad pumasok sa bahay ng mga biktima at pinaghihila ang dalawang bata na pawang tangkang dudukutin.


Agad namang rumesponde ang mga kapulisan na makatanggap ng tawag mula sa mga residente na nagresulta ng pagkadakip sa suspek.

Ayon pa sa kapitan ng barangay, nagdala ng pagkaalarma sa mga residente ang nangyaring insidente.

Nabatid naman na ang suspek ay residente ng Barangay District 2 sa lungsod at isang kargador sa palengke.

Lumalabas naman sa hiwalay na imbestigasyon ng pulisya na niyaya lang ang suspek na uminom bilang pampagana sa pagtulog makaraan ang maghapong trabaho.




Ikinagulat din ng pamilya ang nakasukbit na baril sa kanyang katawan subalit isa lamang pala itong pellet gun na laruan.

Nakatakda namang ilabas sa kulungan ang lalaki matapos na hindi na magsampa ng kaso ang pamilya Matutino laban sa dito.

Facebook Comments