Health protocols para sa eleksyon, isinasapinal na ng DOH at COMELEC

Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) at ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga health protocols na ipapatupad ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nakipag-ugnayan na siya sa Comelec hinggil sa usapin na inaasahang maisasapubliko kung ilalabas na ito ng Comelec.

Ang DOH ang tutulong sa COMELEC para matiyak na nasusunod ang mga ipinapatupad na health protocols.


Matatandaaang nitong Hulyo, una nang sinabi ng COMELEC na ipagbabawal mula ang public display of affection, paghalik sa mga sanggol at pamamahagi ng pagkain upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.

Facebook Comments