Health protocols sa bansa, ipinarerebisa sa gitna pa rin ng pagtaas ng COVID-19 cases sa China

Ipinarerebisa ni Health Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang pinaiiral na health protocols sa bansa sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa China at iba pang bansa.

Partikular na pinababantayan nang maigi ng senador ang mga border ng bansa at pinahihigpitan ang pag-monitor lalo na sa mga incoming traveler mula sa China.

Hinimok din ni Go ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na i-review at palakasin ang COVID-19 guidelines upang maiwasang muling magkaroon ng COVID-19 surge sa bansa.


Inirekomenda pa ng mambabatas na maging daily basis ang pag-aaral sa mga protocol upang matiyak na hindi na babalik ang bansa sa sitwasyong kailangan muling magpatupad ng lockdowns.

Muli ring pinaalalahanan ni Go ang publiko na huwag magpakakumpiyansa at manatiling vigilante habang may naitatala pang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments