‘Pabihis’ sa replika ng Itim na Nazareno sa Quiapo Church, isinagawa na

Isinagawa na ang ‘Pabihis’ sa replika ng Itim na Nazareno na nasa altar ng Quiapo Church sa Maynila.

Ito ay bahagi ng paghahanda ng simbahan sa Pista ng Itim na Nazareno sa Lunes, January 9.

Nagpalakpakan ang mga deboto nang masilayan ang bagong bihis na imahen ng Itim na Nazareno.


Malaking volume ng mga deboto sa loob ng simbahan ng Quiapo ang nag-abang sa pagbaba ng telon upang makita ang bagong bihis na imahen ng Itim na Nazareno.

Patuloy naman ang pagdagsa ng mga mananampalataya sa Quiapo Church kung saan sila ay nagmula pa sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Facebook Comments