Health safety protocols, ipinatupad na sa Malakanyang at ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno

Nagpatupad na ng health safety protocols sa loob ng Malakanyang dahil sa banta ng 2019 novel corona virus.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles – simula kaninang umaga, lahat ng pumapasok sa loob ng Malakanyang ay dumadaan muna sa thermal scanner at pinapasuot ng face masks.

Ang naturang protocols ay bilang pagtalima sa kautusan ni Pangulong Duterte na nagmamando sa lahat ng departamento, ahensiya at tanggapan ng gobyerno na i-adopt ang guidelines ng DOH kontra corona virus.


Maliban dito, magpapatupad na rin ng “no face mask, no entry” sa buong national headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame.

Paliwanag ni PNP Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Cascolan, ang utos ay resulta ng naging pagpupulong nila ni PNP Chief Police General Archie Gamboa para mapanatiling ligtas sa nasabing virus ang punong tanggapan ng pambansang pulisya.

Samantala, ipauubaya naman ni Gamboa sa mga unit commander ang pagpapatupad ng “no mask, no entry” sa mga unit sa Camp Crame.

Facebook Comments