Tatlong drug suspek patay matapos makipag-barilan sa mga pulis sa Bulacan

Nasawi ang tatlong drug suspek matapos na makipagbarilan sa mga pulis ng Bulacan PNP na nagsagawa ng buy bust operation sa Barangay San Manuel, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Kinilala ang mga napatay na drug suspek na sina Jay- ar Borromeo, kabilang sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watch listed, isang alyas “Liit” at alyas “Jr.”.

Sa ulat ni Bulacan Police Provincial Director Col Emma Libunao, nagpanggap na buyer ang isa sa mga pulis pero nang matunugan ng mga suspek na sila ay nakikipag-transaksyon sa mga pulis ay agad na ipinutok ang kanilang mga baril.


Dahil dito nagkaroon ng palitan ng putok na nag-resulta sa pagkamatay ng tatlong drug suspek.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng putukan ang isang kalibre 38 na baril at tatlong bala, isang live ammunition at isang improvised shotgun o sumpak.

Nakuha rin ang isang 500-peso bill at 30 piraso ng transparent plastic sachets na may lamang shabu.

Facebook Comments