Health Sec. Duque iniimbestigahan na ng tanggapan ng pangulo

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo na pinaiimbestigahan na ng malakanyang si Health Secretary Francisco Duque.

 

Ayon kay Panelo “standard operating procedures” naman ito sa sinumang miyembro ng gabinete o opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa anumang sumbong ng korapsyon o conflict of interest.

 

Sinabi ni Panelo na inumpisahan narin ang imbestigasyon kay Duque ng Office of the President.


 

Kahapon matatandaang isiniwalat ni Senador Panfilo Lacson sa kaniyang privilege speech sa senado ang ilan umano’y anomalyang nangyayari sa Philhealth sa mga nakalipas na taon.

 

Ayon kay Lacson, maliban sa ghost patients, mayroon din umanong overstaying patients sa mga ospital na binabayaran ang Philhealth.

Facebook Comments