Medical assistance na ibibigay ng pamahalaan mas mapapabilis kahit na wala ng gaming operations ang PCSO

 

 

Posibleng mas mapabilis pa ang ibibigay na tulong ng pamahalaan sa mga kababayan nating nangangailangan ng medical asisstance

 

Ito ay sa kabila ng naging direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang operasyon ng lotto, STL at iba pang gaming schemes dahil umano’y korapsyon.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel & Presidential Spokesperson Salvador Panelo dahil sasaluhin na ng PAGCOR at Office of the President ang hinaing ng mga kababayan nating humihingi ng ayuda mula sa PCSO ay posibleng mas mapabilis ang kanilang pagtugon.


 

Hindi man direktang sinabi ni Panelo ang mga mekanismo sa gagawing pagtulong ng PAGCOR at Office of the President, iginiit nitong kinakailangan lamang sumulat ng mga kababayan nating nangangailangan ng medical assistance at i-address sa mga nabanggit na ahensya ng pamahalaan.

Facebook Comments