Bumisita kanina si Health Secretary Francisco Duque III sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City para saksihan ang COVID-19 vaccination progress sa nasabing ospital.
Si Duque rin mismo ang nagturok ng COVID-19 vaccine kay Dr. Zenaida Javier-Uy, ang Senior Vice President and Medical Chief ng ospital.
Muli ring umapela si Duque sa publiko na huwag matakot sa bakuna.
Maging siya aniya ay gusto na ring magpabakuna pero nais niyang unahin muna ang mga nasa priority list partikular ang medical frontliners.
Posible aniyang sa kalagitnaan ng buwang kasalukuyan ay magpabakuna na rin siya.
Kinumpirma rin ni Duque na kabilang sa mga lungsod sa Metro Manila na nag-contribute sa pag-spike ng kaso ng COVID-19 ang Pasay, Malabon, Navotas, at Quezon City .
Pero nilinaw nito na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa ay walang kinalaman sa mga natuklasang variant.
Aniya, kung susuriin ng maigi ang data, ang kaso ng UK variant sa bansa ay 3% lamang ng kabuuang specimens na isinailalim sa genome sequencing.
Habang ang South African variants aniya ay 2% lamang at hindi pa ganun karami.