Health Secretary Francisco Duque, muling iginiit ang kahalagahan ng bakuna sa pagpunta ng Sta. Ana Hospital

Personal na nagtungo sina Health Secretary Francisco Duque III at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa Sta. Ana Hospital sa lungsod ng Maynila.

Ito’y para masaksihan ang ginagawang pagbabakuna sa mga medical frontliner sa lungsod.

Sa maikling pahayag ni Duque, muli nitong hinihimok ang lahat ng health care workers na sumailalim na sa pagbabakuna para maiwasan mahawa ng virus at hindi rin humantong sa pagkasawi.


Ipinaliwanag pa ng kalihim ang kahalagahan ng bakuna kontra COVID-19 upang hindi na dumami pa ang tinatamaan nito lalo na’t halos isang taon na rin ng maganap ang pandemya sa ating bansa.

Nagsagawa rin ng pagbabakuna si Duque sa isa sa mga tauhan ng Sta. Ana Hospital habang kasama si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabakuna sa mga medical frontliners sa anim na district hospitals sa lungsod ng Maynila kung saan ang ilan sa kanila ay hinahatid na lamang sa Sta. Ana Hospital para mas mapabilis ang proseso.

Facebook Comments