Health Secretary Herbosa, pinagtatalaga ng “person in-charge” para sa senior citizens

Hinimok ni Senator Francis Tolentino si Health Secretary Teodoro Herbosa na magtalaga ng “focal person” na hahawak sa mga pangangailangan at kapakanan ng senior citizens sa bansa.

Hiling ni Tolentino sa Department of Health (DOH) na magkaroon ng isang taong “in-charge” na tututok sa senior citizens.

Paliwanag ng senador, mahalagang mayroong nakatalagang opisyal sa DOH na in-charge sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipinong edad 60 anyos pataas.


Ito ay para matiyak ang “well-being” ng senior citizens lalo na sa kanilang edad na iba’t ibang sakit na ang lumalabas.

Siniguro naman ni Herbosa kay Tolentino na kasama sa ipaprayoridad niya ang pagtatalaga ng opisyal para sa senior citizens na batid niyang mas kailangan ng tulong lalo’t ang sektor na ito rin ang maraming iniinom na gamot at sakit.

Facebook Comments