Sigarilyo at vape products na ibinebenta malapit sa mga paaralan, kinumpiska sa Taguig

Kinumpiska ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang nasa 300 pakete ng sigarilyo at vape products.

Ang mga ito ay ibinebenta sa mga tindahan malapit sa mga eskwelahan o nasa loob ng 100 metro mula sa mga paaralan at health facilities sa Lungsod ng Taguig.

Matatandaang mahigpit na ipinatutupad ang Comprehensive Smoke-free Ordinance of 2017 sa buong lungsod, upang maiwasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo


Ang hakbang ng syudad ay bilang pagsunod sa World No Tobacco Day.

Facebook Comments