HEALTH SERVICES PARA SA MGA KABABAIHAN, IHAHATID SA DAGUPAN CITY

Inihahanda ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang Department of Health ang ilan sa mga serbisyong nakalaan para sa mga kababaihan sa lungsod.

Sa darating na March 19, libreng mapapakinabangan ng mga kababaihan sa lungsod ang mammogram at diagnostic breast care examination.

Bukas din ng cervical screening para sa mga babaeng edad 30 hanggang 65 years old. Isa rin ang tinalakay ang pagbabakuna kontra sa Human Papillomavirus (HPV) partikular ang mga babaeng edad 9 hanggang 14 na taong gulang.

Patuloy pang pinapalawig ang serbisyong pangkalusugan sa lungsod upang maitaguyod medikal na pangangailangan ng mga Dagupeños. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments