HEALTH WARNING | Paglalagay ng label kaugnay ng sugar content sa isang produkto, inirekomenda ng DTI

Manila, Philippines – Irerekomenda ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Department of Health (DOH) ang paglalagay ng label kung gaano karaming asukal mayroon ang isang produkto.

Ito ay kasunod na rin ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan ng health warning ang mga matatamis na inumin.

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ipapalagay rin nila sa label ang warning ng World Health Organization (WHO) sa masamang epekto ng asukal sa katawan.


Aniya, dapat ay kita agad ng konsumer ang pwesto ng label dahil karamihan sa mga produktong mas nakikita ang calories content sa halip na sugar content.

Kasabay nito, tiniyak rin ng DTI na sunod nilang target ang mga maaalat na produkto at mga produktong may masamang taba o transfat content.

Samantala, giit naman ni Ricky Salvador, tagapagsalita ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, kailangang may basehan ang babala na ilalagay sa label.

Hindi aniya ora-oradang mapapalitan ang mga label dahil buwan ang kailangan para sa babaguhing proseso.

Facebook Comments