Health workers at APOR, hindi rin papayagang lumabas sa granular lockdown —DILG

Kabilang ang mga Authorized Person Outside Residence (APOR) at health workers sa hindi papahintulutang lumabas ng tahanan sa mga lugar na isinailalim sa granular lockdown.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño, isang kalye o isang lugar lamang ang sakop ng granular lockdown.

Hindi rin papayagang lumagpas sa checkpoint ang mga delivery services at ang mga barangay personnel ang aatasang magdeliver ng goods sa mga recipient.


Tiniyak naman ni Diño sa mga residente na ang tulong ay ibibigay lamang sa mga maaapektuhan ng granular lockdown.

Facebook Comments