Health workers at economic frontliners, dapat ding saluduhan sa gitna ng COVID-19 pandemic

25

Welcome kay Health Secretary Francisco Duque III ang pagtawag sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na “bayani” sa gitna ng laban ng bansa sa COVID-19 pandemic.

Pero sa kanyang talumpati sa rollout ng Sputnik V vaccines sa Sta. Ana Hospital sa Maynila kanina, sinabi ng Kalihim na dapat ding saluduhan ang mga health workers at economic frontliners sa mahusay na pagganap sa pagsasalba ng buhay.

Umaasa si Duque na mananatiling inspired at malakas ang mga medical frontliners dahil sila ang nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.


Matatandaang pinuri ni Pangulong Duterte si Duque sa pagbaba ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa panahon ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Facebook Comments