Health workers, dapat bayaran ng hazard pay bukod sa SRA

Ipinaalala ni Senator Sonny Angara sa Department of Health (DOH) na dapat ding mabigyan ng hazard pay ang mga health workers bukod sa Special Risk Allowance o SRA.

Diin ni Angara, itinatakda ito ng Magna Carta of Public Health Worker ngayong pangunahing humaharap sa panganib ang mga health workers dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Angara, nakasaad sa section 21 ng nasabing batas na ang hazard allowance ay katumbas ng 25 percent ng isang buwan sweldo ng mga health workers na tumatanggap ng salaray grade 19.


Sabi ni Angara, ang mga health worker naman na tumatanggap ng salary grade 20 pataas ay dapat makatanggap ng hazard pay na katumbas ng 5 percent ng kanilang buwanang sweldo.

Facebook Comments