Umabot na sa 1,465 health workers ang gumaling mula sa coronavirus disease.
Sa tala ng Department of Health (DOH), nasa 2,703 healthcare workers ang tinamaan ng sakit habang nananatili sa 32 ang namatay.
Nasa 1,206 medical workers ay active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.
Aabot sa 1,003 ang mild cases, 202 ang asymptomatic, at isa ang nasa severe condition.
Sa ngayon, umabot na sa 20,382 ang kaso ng COVID-19 sa bansa, 4,248 ang gumaling habang 984 ang namatay.
Facebook Comments