Nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng 3,486 healthcare workers na tinamaan ng COVID-19.
Ito ay matapos madagdagan ng 126 na bagong kaso.
Sa datos ng DOH, nasa 2,685 health frontliners na ang gumaling habang umakyat na sa 34 ang namatay.
Ang 767 medical workers ay active cases at sumasailalim sa treatment o quarantine.
Ang medical professions na may mataas na kaso ng COVID-19 ay mga nurses (1,244 infections), sinundan ito ng mga doktor (875), nursing assistants (238), medical technologist (142), at radiologic technologist (78).
Higit 200 non-medical staff ang kasama sa bilang.
Facebook Comments