Health workers ng pribadong hospital na hindi pa nakakatanggap ng COVID-19 allowance, inabisuhan ng DOH na makipag-ugnayan sa Centers for Health Development

Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang health workers ng pribadong hospital na hindi pa nakakatanggap ng One COVID-19 Allowance (OCA) na makipag-ugnayan na sila sa Centers for Health Development.

Ito’y para sa mas mabilis na matanggap ng mga nabanggit na health workers ang nararapat nilang benepisyo.

Paalala naman ng DOH sa mga pamunuan ng pribadong hospital na kailangan nilang ipasa ang kumpletong listahan ng health workers na nakatanggap ng nabanggit na allowance.


Matatandaan na una nang iginiit ng Private Hospitals Association of the Philippines na karamihan sa kanilang health workers ay wala pa rin nakukuhang allowance hanggang sa ngayon.

Nabatid na ₱50 billion ang inilaan na pondo para 2022 budget para sa One COVID-19 Allowance pero ₱7.9 billion ang nababawas.

Sa ilalim ng One COVID-19 Allowance, ang kada health workers sa mga lugar na kinilala bilang high-risk dahil sa dami ng bilang ng tinatamaan ng sakit ay makakatanggap ng ₱9,000 kada buwan.

Ang health workers naman na nasa moderate risk ay makakakuha ng ₱6,000 at ang nasa low-risk area ay makakatanggap ng allowance na aabot sa ₱3,000.00.

Facebook Comments