Foreign Service Officer Examination ngayong taon, hindi matutuloy ayon sa DFA

36
Photo Courtesy: Department of Foreign Affairs, Republic of the Philippines

Nag-abiso ang Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi matutuloy ang nakatakdang 2022 Foreign Service Officer Examination ngayong taon.

Nagpasya kasi ang Board of Foreign Service Examinations na iurong sa unang quarter ng 2023 ang Foreign Service Officer Examination qualifying test na pinangangasiwaan ng Civil Service Commission.

Nauna nang nailabas ang tentative schedule ng nasabing pagsusulit ng August 7.


Agad naman maglalabas ng iba pang anunsyo hinggil dito sa mga darating na panahon.

Pinapayuhan naman ang mga nais kumuha ng nasabing eksaminasyon na bisitahin ang official website ng DFA na “dfa.gov.ph/fsoexams”.

Facebook Comments