Health workers sa ibang lalawigan, pinaghahanda na sa tumataas na COVID-19 cases sa NCR

Pinaghahanda na ng Department of Health (DOH) ang mga healthcare workers sa mga lalawigan oras na kailangangin ng dagdag na pwersa sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posible kasing umakyat sa moderate risk ang healthcare utilization sa NCR dahil sa mabilis nitong pagtaas.

Aniya, nakahanda rin ang medical personnel ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para umagapay sa Metro Manila.


“So, first to augment na nakapag-utos na po, nakapaghingi na ng tulong ang ating mga secretaries from PNP and uniformed personnel para makapag-augment ng resources natin for health care. Iyon pong mga personnel nila na medical, ide-deploy po sa mga nangangailangang mga ospital,” pahayag ni Vergeire

Facebook Comments