DILG, nagpaalala sa mga barangay official na ipatupad ang “No Vaxx, No Labas” policy ng pangulo

144

Pinaalalahanan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng barangay officials na ipatupad ang “No Vaxx, No Labas” policy ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año ginagampanan lamang ni Pangulong Duterte ang kaniyang trabaho bilang Chief Executive sa ilalim ng public health emergency.

Batay sa direktiba ng pangulo, pakiusapan muna aniya ng mga barangay official ang mga residente na manatili sa bahay at kapag hindi tatalima ang mga hindi bakunado at aalis pa rin ng bahay ay doon pa lamang sila aarestuhin.


Pinayuhan din ng kalihim ang publiko na dalhin ang kanilang mga vaccination cards sa lahat ng oras at ipakita sa mga barangay officials at police officers bilang patunay na sila ay bakunado na.

Facebook Comments