HEALTH WORKERS SA ILOCOS REGION, SUMAILALIM SA BASIC FILIPINO SIGN LANGUAGE

Sumabak ang mga health workers ng Ilocos Region sa isang Basic filipino Sign Language Training.
Layunin nitong mapataas ang kaalaman at maunawaan ang mga pangangailangan ng pasyenteng may kapansanan.
Nasa 32 partisipante mula sa apat na probinsiya ang dumalo sa tatlong araw na pagsasanay.

Ayon kay Dra. Paula Paz Sydiongco ang Regional Director ng DOH Region 1, isa ito sa paraan ng kagawaran upang mapaganda ang health services sa rehiyon lalo na para sa mga PWDs.
Aniya, mahalagang maunawaan ang mga pangangailangan ng mga pasyenteng may kapansanan upang makapagbigay ng tamang pag-aalaga.
Bukod dito umano ay para maengganyo silang magpunta at magpakonsulta sa mga health centers dahil mayroong makakaunawa sa kanila sa pamamagitan ng sign language.
Binigyan-diin din ng opisyal na essential o mahalaga ang mga health workers na mayroong BFSL sa kada health facility upang maibigay ang tamang health services. |ifmnews
Facebook Comments