HEALTHCARE PROGRAMS NG ELEMENTARY AT SECONDARY SCHOOLS SA BAYAN NG SAN NICOLAS, PALALAKASIN

Palalakasin ang healthcare programs ng elementarya at sekondaryang paaralan sa bayan ng San Nicolas.
Sa pagsasagawa nito ay ang pagtatakda sa mga limang hindi na-renew na mga dating nurses sa ilalim ng Nurse Deployment Program ng Department of Health-Human Resources for Health, na ngayon ay school nurses na.
Ito ay upang palakasin ang healthcare program ng mga paaralan sa bayan ng San Nicolas na tutugon sa iba’t-ibang sakit ng mga mag-aaral sa nasabing bayan.

Binigyang-diin ng alkalde ang Integrated Management of Childhood Illness Program bilang isang pangunahing diskarte para sa kaligtasan ng bata, malusog na paglaki at pag-unlad at batay sa pinagsamang paghahatid ng mga mahahalagang interbensyon sa komunidad, health facility at health systems levels.
Layunin ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas na mapabuti ang kapakanang pangkalusugan ng mga mag-aaral at makapagbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga ito. |ifmnews
Facebook Comments