Healthcare system, patuloy na pinalalakas dahil sa banta ng Delta variant

Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na sinisikap ng pamahalaan na maitaas ang kapasidad ng healthcare system ng bansa bilang paghahanda sa banta ng mas nakakahawang Delta variant.

Sa statement, sinabi ng DOH na batid nila ang takot at pangamba ng publiko mula sa nasabing variant.

Gayumapaman, ginagawa na ng gobyerno ang lahat ng makakaya nito para ihanda ang healthcare system para sa posibleng surge, ano pa man ang community quarantine classification.


Ang national at local governments ay dapat magtulungan para maayos na pagma-manage ng bagong COVID-19 cases.

Sisiguraduhin nilang may sapat na Intensive Care Unit (ICU) at Temporary Treatment and Monitoring Facilities (TTMF) sa mga lugar na nakakaranas ng surge.

Importante ring may sapat na supply ng gamot at oxygen tanks, at human resources.

Pinaiigting na rin ang national vaccination program para mas maraming tao ang maprotektahan at mabawasan ang hospitalization at kamatayan.

Facebook Comments