Healthcare utilization sa Davao de Oro, Baguio City, nasa critical level na – DOH

Hihiling na ang Inter-Agency Task Force (IATF) na baguhin ang community quarantine status sa ilang lugar sa bansa.

Ito ay sa harap ng napupunong hospital beds dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, umabot na sa critical level ang health care utilization rate sa Davao de Oro at Baguio City.


Ang Nueva Vizcaya at Agusan del Norte ay mayroong mataas na utilization rate sa kanilang COVID hospital beds.

Ang DOH ay patuloy na makikipag-coordinate sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga Local Government Unit (LGU) para mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 cases.

Magpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy kabilang ang pagpapatupad ng minimum public health standards.

Facebook Comments