Pagpuna sa mga batas ng China, “none of our business” – Sec. Locsin

Iginiit ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na wala tayong pakialam lalo na sa pagpuna sa pagpasa ng China ng mga bagong batas.

Partikular na ang batas na nagpapahintulot sa Chinese Coast Guard na barilin o atakehin ang anumang foreign vessels na nasa loob ng kanilang “jurisdictional waters.”

Ayon kay Locsin, dapat maghinay-hinay dahil ang China naman ang nagpasa ng nasabing batas.


Ito ang pahayag ng kalihim sa pananaw ni Senator Risa Hontiveros na isang “very negative” development sa South China Sea ang bagong batas na ipinasa ng New People’s Congress sa Beijing.

Facebook Comments