Healthcare Workers Card, isinusulong ni former Congressman Monsour del Rosario

Pagkakaroon ng Healthcare Workers Card ang nais itulak ni former Congressman Monsour del Rosario kung papalaring maupo sa Senado.

Matapos magsilbi ng tatlong taon sa Kongreso, nakita ni Del Rosario ang epekto ng pandemya sa bansa at ang kasalukuyang sitwasyon ng mga frontliners.

Dahil dito, nais niyang kilalanin ang kontribusyon ng health workers sa Healthcare Workers Card Program.


Nakapaloob sa programa ang mga pribilehiyo at benepisyo tulad ng 20% na diskwento sa mga gamot, pagkain, at leisure travel.

Nais din niyang isulong ang salary increase ng mga health workers upang hindi na mangibang bansa ang mga ito.

Maliban sa kalusugan, pagtututunan din niya ng pansin ang problema agrikultura, sports, at dagdag na paaralan para sa mga special children.

Si Del Rosario ay dati ring action star at atleta.

Facebook Comments