Senator Go, walang koneksyon sa abogado ng magkapatid na Dargani na umano’y dating taga-Malakanyang

Binigyang diin ni Senator Christopher “Bong” Go na wala siyang koneksyon kay Atty. Daryll Ritchie Valles na isa sa mga abogado ng magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani na parehong opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporations.

Nabatid na si Atty. Valles ay dating Director IV sa Office of the Special Assistant to the President o SAP na posisyong hawak dati ni Senator Go.

Pero ayon kay Go, 2018 pa siya nagbitiw na Special Assistant to the President kaya mahigit tatlong taon na siyang hindi konektado sa mga tauhan doon dahil siya ay senador na.


Nabalitaan din ni Go na nag-resign na si Atty. Valles sa Office of the President noon pa at naka-ilang lipat na ng pinagtatrabahuhan.

Kaugnay nito ay pinaalala ni Go na paulit-ulit nilang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung may kasalanan ay dapat hulihin, kasuhan at panagutin agad.

Facebook Comments