Healthcare workers na nagkasakit ng COVID-19, umabot na 7,354

Umabot na sa 7,354 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 matapos madagdagan ng 422 na bagong kaso.

Sa datos ng Department of Health (DOH), nasa 6,616 health workers ang gumaling sa sakit.

Nananatili sa 40 ang namatay.


Nasa 698 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.

Ang limang medical professions na may mataas na COVID-19 cases ay nurses na may 2,572 infections, doctors (1,496), nursing assistants (526), medical technologists (339), midwives (163) cases.

Higit 500 na iba pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff.

Sa ngayon, aabot na sa 237,365 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong bansa na may 48,803 active cases, 184,687 ang gumaling at 3,875 ang namatay.

Facebook Comments