Convicted rapist na Antonio Sanchez, inilipat sa JRMMC

255

Inilipat sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang convicted rapist at murderer na si Antonio Sanchez para isalang sa karagdagang tests.

Ayon sa Bureau of Corrections (BuCor), ang dating alkalde ng Calauan, Laguna ay inilipat sa JRRMC para i-refer sa isang nephrologist at isang sputum exam.

Ang transfer ay dumaan sa coordination ng One Hospital Command Center ng Department of Health.

Si Sanchez ay mayroong ‘multiple electrolyte imbalance, CKD stage IV, pulmonary Tuberculosis-bilateral.

Kasalukuyang naka-confine sa nasabing ospital at binabantayan ng medical staff ng New Bilibid Prisons (NBP).

Facebook Comments