Umakyat na sa 8,494 healthcare workers ang tinamaan ng COVID-19 matapos maitala ng Department of Health (DOH) ang 1,140 additional cases sa nagdaang linggo.
Sa huling datos ng DOH, nasa 7,710 health workers ang gumaling sa sakit, habang nasa 56 ang namatay.
Nasa 728 medical workers ang active cases o sumasailalim sa treatment o quarantine.
Nananatiling may pinakamaraming kaso ang nurses (2,935 infections, doctos (1,613), nursing assistants (656), medical technologists (383) at midwives (192 cases).
Higit 500 na iba pang non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards at administrative staff ang kasama sa mga dinapuan ng sakit.
Sa huling datos ng DOH, nasa 261,216 ang kaso ng COVID-19 sa bansa na may 49,277 active cases.
Nasa 207,568 ang gumaling at 4,371 ang namatay.