Healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa, mahigit 24,000 na

Umabot na sa 24,011 ang kabuuang bilang ng mga health care workers na tinamaan ng COVID-19 sa buong bansa.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH), 23,539 dito ang mga gumaling na habang 103 ang mga binawian na ng buhay.

Nasa 372 naman ang mga aktibong kaso o nagpapagaling pa sa sakit na mga healthcare workers.


Sa ngayon, nangunguna pa rin ang mga nurse sa hanay ng mga healthcare worker na nagkakasakit ng COVID-19.

Sinundan ito ng mga doktor, nursing-assistant, medical technologist, midwives at iba pang medical at non-medical workers.

Facebook Comments