Hindi pa rin natatanggap ng karamihan sa mga healthcare workers ang kanilang hazard pay at special risk allowance sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Filipino Nurses United National President Maristela Abenojar, karamihan sa 16,467 healthcare workers sa bansa ang hindi pa nabibigyan ng mga benipisyo kahit nakapagsumite na sila ng mga dokumento sa Department of Health (DOH).
Hirap din aniya ang ilang health workers na tinamaan ng COVID-19 na makakuha ng kompensasyon mula sa gobyerno.
Dahil dito, hinikayat ng grupo ang pamahalaan na tiyakin ang proteksyon ng mga nurses sa bansa bago sila payagan lumabas ng Pilipinas at huwag ding kalimutan ang backlog sa sahod at benepisyo ng mga ito.
Facebook Comments