Healthcare workers sa ilang ospital, hindi pa nakatatanggap ng allowance at benefits sa ilalim ng Bayanihan 2 ayon sa mga senador

Muling kinatok ng mga Senador ang Department of Health (DOH) na ibigay na ang mga allowance at iba pang benefits para sa health frontliners na patuloy na nagtatrabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, hindi pa natatanggap ng ilang mga manggagawa ng ospital ang benefits sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Kabilang aniya dito ang mga nasa National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine Heart Center (PHC) at Lung Center of the Philippines (LCP).


Giit ni Hontiveros, hindi dapat pahirapan ang healthcare workers na makuha ang mga benepisyong nararapat sa mga ito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Senator Panfilo Lacson na dapat managot sa batas ang DOH lalo na’t hindi ito ang unang pagkakataon na nabigo ang ahensiya na i-compensate agad ang mga healthcare workers.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, ang lahat ng health workers na nag-aasikaso ng COVID-19 patients pampubliko o pribado man ay dapat makatanggap ng special risk allowance.

Una nang sinabi ng DOH na nasa P53.48 billion ang pondong nakalaan bilang suporta sa ating mga healthcare workers.

Facebook Comments