Healthcare workers sa NCR, sinanay sa logistical requirements ng Sputnik V

Tiniyak ni Metro Manila Council Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na handa na ang healthcare workers na gamitin ang mas kumplikadong COVID-19 vaccine na Sputnik V mula sa Russia.

Ayon kay Mayor Olivarez, mismong Department of Health (DOH) na ang nagsanay sa mga personnel para sa pag-set up ng logistics, capacity at cold storage facility sa pagdating ng bakuna.

Una rito, kinumpirma ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., na inaasahang darating ngayong buwan ang 485,000 doses ng Sputnik V.


Kumpara sa Sinovac at AstraZeneca ay mas mahigpit ang storage requirements ng Sputnik V na nangangailangan ng temperatura na -18 degrees centigrade.

Giit din ni Olivarez na ngayong tatlong brand na ng bakuna ang hawak ng gobyerno ay dapat samantalahin ng publiko ang pagkakataon na makapagpaturok.

Matatandaan na nitong Sabado ay dumating na ang 15,000 initial doses ng Sputnik V na gagamitin bilang pilot run.

Facebook Comments