Healthy Champorado Recipe

IMAGE FATKIDINSIDE.COM

Ang champorado ang isa sa mga tradisyonal na pagkain ng mga Pinoy. Masarap kainin tuwing tag-ulan o di kaya ay almusal at merienda. Ngunit hindi lingid sa ating kaalaman, na ang madalas na pagkain ng champorado ay maaaring makaapekto sa pagtaas ng ating sugar level, at maaaring mauwi sa pagtaba.

Good news! Narito ang simple, at healthy champorado para sa budget mong sakto.

Ingredients:


  • ½ Oats
  • 1 cup coconut milk/skim milk
  • 1 kutsarang cacao powder
  • 1 kutsarang peanut butter
  • 2 Very ripe banana/ Hinog na saging

Procedure:

  1. Ihalo ang Oats, kasama ng gatas, cacao powder, peanut butter, at saging sa isang pan at painitan ito.
  2. Durugin/ i-smash ang saging kasama ng ibang sangkap habang pinapainitan ito. (Saging ang magsisilbing pampatamis ng ating champorado. No need to use sugar.)
  3. Haluin ng mabuti hanggang makuha ang nais na lapot.
  4. Hanguin ang champorado at ihain ito. You can top it with cocoa nibs or banana.

In just 5 minutes, mayroon ka ng healthy champorado.

Mataas ito sa fiber, sapagkat imbes na asukal , saging ang ginamit na pampatamis sa  ating champorado. Dagdag pa dito ay ang  tablea o cacao. Ang cacao ay maraming health benefits gaya ng pagpapa-boost ng ating energy,  pagpapa-improve sa ating memorya at nakakatulong makaiwas sa mga heart diseases.

Facebook Comments