SUPORTADO | Buong pamilya ni PRRD, kumpirmadong dadalo sa kanyang SONA

Manila, Philippines – Buong suporta ang matatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pamilya kasabay ng pagbibigay ng kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Kumpirmadong dadalo sa kanyang SONA ang kanyang mga anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, presidential sons Paolo at Sebastian Duterte, at ang bunsong si Veronica Duterte.

Present din ang dating asawa ng Pangulo na si Elizabeth Zimmerman at kasalukuyang partner na si Honeylet Avanceña.


Facebook Comments