Heart Evangelista, napanaginipan si dating Senador Miriam Defensor Santiago

Manila, Philippines – Napanaginipan ng aktres na si Heart Evangelista ang pumanaw niyang ninang sa kasal na si dating Senador Miriam Defensor Santiago.

Kwento ng aktres, may pinagdadaanan siya noong panahong nanaginip siya na nagdi-dinner daw umano sila ng dating senadora.

Niyakap pa niya ito at naamoy ang moisturizer scent sa leeg ng senadora.


Pakiramdam ng actress daan ito ng pumanaw na senador para iparamdam sa kanya na ginagabayan pa rin siya nito kahit ito ay wala na.

Ayon sa actress, naiyak siya noong naramdaman niya iyon kaya naman daw kapag nag-kaanak sila ng asawang si Senator Chiz, papangalanan niya itong “Miriam.”

Facebook Comments