Dwyane Wade, gusto pa ring maglaro para sa Miami Heat

NBA – Inamin ni Dwyane Wade na gusto niyang maglarong muli para sa kanyang dating koponan na Miami Heat.

Ayon kay Wade, gusto niyang magretiro sa Heat kung saan siya unang naglaro sa loob ng 13 seasons.

Matatandaang pumirma na si Wade ng isang taong kontrata para sa Cavaliers pero sabi niya mananatiling malapit sa kanyang puso ang Miami Heat.


Sa pamamagitan naman ng isang newspaper ad at interview kay Coach Erik Spoelstra ay pinaabot ng Miami Heat na bukas sila sa isang reunion sa dati nilang manlalaro.

Facebook Comments