Heart relic ni Saint Camillus de Lellis, darating sa bansa sa Pebrero

Dalawang buwang mananatili sa Pilipinas ang Heart Relic ni st. Camillus de Lellis.

Ayon sa Order of the Ministers of the Infirm – sa February 2 darating sa bansa ang heart relic at kaagad itong dadalhin sa Our Lady of Paz Parish sa Makati City hanggang February 4.

Dadalhin din ito sa iba’t ibang simbahan at ospital sa buong bansa bago ibalik sa Rome sa March 31.


Si St. Camillus ay kilalang patron saint ng mga may sakit, doktor, nurse at iba pang mga health workers.

Samantala, maaaring makita ang kumpletong listahan ng mga simbahan at ospital na pagdadalhan sa heart relic sa Facebook page ng the camillians at sa twitter page ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Facebook Comments