Tuesday, November 17, 2026

HEAT INDEX SA DAGUPAN, NAITALA SA 38°C KAHAPON

Umabot sa 38°C ang pinakamataas na heat index na naitala sa Dagupan City kahapon, Nobyembre 15, batay sa datos ng DOST-PAGASA Dagupan Weather Station.

Ayon sa abiso ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), naitala ang naturang heat index dakong alas-12 ng tanghali.

Pasok ito sa kategoryang Extreme Caution, kung saan posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion ang mga taong matagal na nakabilad sa araw o gumagawa ng mabibigat na aktibidad sa labas.

Samantala, inaasahang aabot sa 40°C ang heat index sa lungsod batay sa forecast, kaya pinaalalahanan ang publiko na uminom ng sapat na tubig, gumamit ng panangga sa araw at iwasan ang matagal na pagbabad sa init. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments