
Nagtipon ang iba’t ibang organisasyong pangkabataan at youth-serving organizations sa San Carlos City, Pangasinan para sa taunang City Youth Development Council Assembly at YORP Orientation.
Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) ng lungsod, katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation, ang pagtitipon.
Ayon sa lokal na pamahalaan, target nitong palakasin ang koordinasyon at ugnayan ng iba’t ibang sektor ng kabataan sa pagsusulong ng mga programa at adbokasiya para sa youth development.
Inilahad din sa assembly ang mga nakalatag na plano at programa ng lokal na pamahalaan, LYDO at SK Federation para mahikayat ang aktibong pakikilahok ng mga miyembro ng City Youth Development Council.
Tuloy-tuloy naman ang pagpapatupad ng mga adbokasiya ng mga organisasyon para sa mga susunod na programa para sa kabataan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










